Hindi ako makatulog dahil may malaki akong project. May kaibigan akong blogger na matagal nang nagsasabing magaling daw ako sumulat kaya nagpapaturo siya sa akin. Hindi ko na lang sasabihin sa inyo kung sino, pero dahil kaibigan ko talaga siya, siniseryoso ko ang sinabi niya. Ayan tuloy, hindi  ako makatulog ngayon.

Sa isang linggo, nagpaplano kaming magkita para magsimula na pero wala pa rin akong maisip na magandang paraan para ituro sa kanya ang nalalaman ko. Una sa lahat, English na ang naging forte ko at hindi ko alam kung papaano nangyaring gumaling  -- daw -- ako sa pagsusulat. Malamang, hindi ko rin alam kung papaano ko yun ituturo sa kaniya. Hahaha! Pangalawa, pakiramdam ko, maaapektuhan ko rin siya dahil baka ma-stun siya sa mga ipapagawa kong writing exercises. Sabi ng mga taong pinamamahalaan ko sa office, grammar Natzi daw ako, so baka nga lumabas nga iyon. Pangatlo, baka hindi niya ako maintindihan. Weird nga kasi ako, so baka hindi ako maging mahusay sa pagtuturo.

Sana, maging OK ang lahat. Sana, makita ko na ang hinahanap kong strategy dahil andami kong naiisip na pwedeng magka-leche leche sa gagawin namin. Clueless na nga ako, grammar Natzi pa at weirdo so baka walang effect. Hay, buhay! Siguro, kung itutulog ko ito, magkakaroon din ako ng magandang sagot sa problemang ito. OK, wish me luck!

One Response so far.

  1. AngWeirdongPasahero says:

    Alam mo na kung sino ka. Huwag ka na lang magreact sa post na ito ng masyadong obvious. Let's keep my readers guessing (kung mayroon mang nagbabasa), and let's just keep your readers appreciative of what you are writing now. Ok?

Leave a Reply

Sige na. Wag ka nang mahiya. Mag-comment ka na... please.