Akala ko, wala akong maibo-blog ngayon pero meron pala. By the way, post ito para sa kahapon, Martes. Ngayon lang ako nakauwi eh. Wala naman kasing notable na nangyari sa akin papasok. Nung pauwi na ako, ayun. May dalawang realization ako.

Una, dapat tingnan ng isang tao ang ugali ng mahal kapag lasing ito. Kanina kasi, noong nakabusangot ang nguso ko sa isang mabahong parte ng Alabang-Zapote Road, may sumakay na mag-asawa ata. Lasing ang lalaki. Ang sabi niya, "Anong pakialam ko sa cell phone mo." Minura -- as in PI -- pa ng mama ang babae, pero nakalimutan ko na kung bakit. Please tandaan niyo yang first factor na iyan ha. Ito ang second factor: "in vino veritas." Ang ibig sabihin, "sa alak, may katotohanan." Kahit di ako magaling mag-math pag dating sa numero, magaling ako magmath ng ugali ng tao. Kung totoo ang lahat ng mga factors na ito, ang ibig sabihin lang, dapat hiwalayan na ng babae yung lalaki kasi hindi siya marespeto ng lalaki. Hindi excuse yung lasing ang mama dahil kung mahal niya yung babae -- oo medyo malaswa -- pero dapat, kiss or mga ka-cheesihan ang babanggitin niya diba? Ewan lang kung agree kayo pero yon talaga ang naisip ko.

Pangalawa, dapat pala, di natin ginagalit ang mga tao. Naisip ko ito nung may nakatabi ako sa harap na upuan ng jeep mula Zapote hanggang Imus. Sumakay ako sa front seat na may hawak na yosi. Yung lalaki, nagtakip ng ilong. Dahil nga sensitive ako sa ganyan, naisip kong hindi niya gusto mausukan. Wala naman akong magawa dahil di ko naman kayang baguhin yung direksiyon ng hangin. Ang ending, tinapon ko ang yosi. Parang galit yata yun. Kailangan kong i-straight English ang next, so here goes: we should not anger people (especially Brio). When people get angry, they fume with anger. At dahil lahat tayo, hindi natin kayang kontrolin ang ihip ng hangin, hindi natin kayang piliin lang ang mga "mauusukan" or tatamaan ng galit natin. Kung ibang tao naman yung magagalit, kahit ayaw natin maapektuhan, baka di rin tayo nakaiwas. Ayun.

Dahil antok na ako, yun lang muna for tonight. Dahil naabutan akong gising ng isa kong friend, si Xander, babatiin ko siya! Hi Xander! Welcome to my blog! Ayan, parang radyo lang di ba? Ok, so hanggang sa muli!

2 Responses so far.

  1. Maraming salamat pa pagimbita sa sasakyan mong jeep. Naway makasama pa kita ng matagal sa byahe para marami tayong mapagkwentuhan hjehehee.. ingats ka ha.. saka na ako magbabayad ng pamasahe ko ha enjoy pa ako kasabay ka sa jeep.. Yahooo!!!

  2. Brio says:

    Siyempre naman, invited ka. Ikaw nga ang unang pumara eh. :D

Leave a Reply

Sige na. Wag ka nang mahiya. Mag-comment ka na... please.