Tawagin na lang ninyo akong Brio.

Wala akong kotse kaya sumasakay ako sa jeep. Dahil boring ang pagsakay sa jeep, kung anu-ano ang naiisip ko. Minsan, masaya, nakatutuwa, at nakaaaliw. Minsan naman, malungkot, nakaiiyak, o nakaiinis. May araw ding weird. Mas marami atang weird. Ewan lang. Kasi naman, hindi ako magaling mag-math.

Dahil doon, pakiramdam ko, ako na ang pinaka weird na pasaherong maisasakay ng mga driver -- kahit alam ko namang di iyon totoo.

Mahilig ako magkape at magyosi. Mahilig din akong magsulat. Nagpupuyat din ako, pero pag natulog naman ako, parang na-comatose.

Sana, naaaliw kayo sa mga kwento at mga napag-iiisip ko habang ako ay nakikipagsapalaran sa jeep, van, at kung anu-ano pang paraan ng paglalakbay.

Leave a Reply

Sige na. Wag ka nang mahiya. Mag-comment ka na... please.