Wala na naman akong lakad ngayong weekend pero maganda na rin siguro iyon dahil nagkaroon ako ng pagkakataong magpahinga. Kahapon nga, na-co...
Blogger news
Ako si Brio. Ako ang weirdong pasahero ng jeep, van, o bus. Pwedeng nakatabi mo na ako. Pwede rin namang hindi. Malalaman mo na ako yun dahil siguradong masasabi mong, "Weird naman nitong katabi ko."
Para sa mas kumpletong impormasyon, puntahan mo na lang ang profile ko.
Ang lahat ng mga nakasulat dito sa blog na ito ay opinyon ko lamang. Maaring tama ako. Pwede rin namang mali ako, so sana, huwag niyo akong awayin. Comment lang, pwede na. Sana din pala, walang nanakaw ng mga sinulat ko ha. Pwede naman kasi akong i-message at magbibigay naman ako ng permission. Di naman ako mangangagat.
Tawagin na lang ninyo akong Brio.
Wala akong kotse kaya sumasakay ako sa jeep. Dahil boring ang pagsakay sa jeep, kung anu-ano ang naiisip ko. Minsan, masaya, nakatutuwa, at nakaaaliw. Minsan naman, malungkot, nakaiiyak, o nakaiinis. May araw ding weird. Mas marami atang weird. Ewan lang. Kasi naman, hindi ako magaling mag-math.
Dahil doon, pakiramdam ko, ako na ang pinaka weird na pasaherong maisasakay ng mga driver -- kahit alam ko namang di iyon totoo.
Mahilig ako magkape at magyosi. Mahilig din akong magsulat. Nagpupuyat din ako, pero pag natulog naman ako, parang na-comatose.